— sabi ng kaibigan ko.
Eh kasi naman, magpapalit ng uniform yung batch namin. Tapos nung isang araw, 9:00 kaming nakapila para makabili ng uniform. Nakatapos na ang lunch, hindi pa din kami nakakabili. Engineering Drawing na subject namin, di pa din nakakabili. Inabot kami ng 2pm, hindi pa din nakakabili. Nakatapos kami, nakabili na ako pero hindi pa din nakakabili ang mga kaibigan/kaklase ko. Saka ko nalaman na pagkatapos pala namin, hindi sila papasukin sa loob ng IGP(dun na-order/nabili/nagpapa encode ng mga binibili namin). Bawal daw umorder ang mga Gen. Engineering students kasi hindi naman daw schedule ng GE that time. Pero ang dami na namin na naka-order na. Pinapa-alis na sila ng pila, at talagang napuno na ang mga kaibigan ko. Yung iba sa kanila, umiiyak na. 5hrs kasi kaming pumila. Nakakairita lang kasi ang bagal nila kumilos, ang iba nagkakape lang, ang iba nagchichikahan lang, ang iba nakatambay. Kaya ang bagal ng takbo ng pila. Sa sobrang inis, sinabi ng kaibigan ko dun sa babaeng maldita “Ang sama sama naman po ng sistema nyo dito sa IGP!” (medyo pasigaw). Sumagot ang babae “lalo namin kayong hindi pagbibilhan ng uniform, sinisiraan nyo kami.” Aba! Tangina ha. Pero after umalis nung babae, pinapasok na sila. Naawa ata kasi nag iiyakan na(puro babae kasi ang hindi pa nakaka-order). Tapang lang ng friend ko na sabihin na masama ang sistema. LOL. Idol ko na.
At kani-kanina lang, may ginawa na naman yung tao dun sa IGP na ikinakainit ng dugo namin. Naka-schedule ang section namin na kami ang pagbibilhan ng uniform that time, pero hindi daw kami pagbibilhan. ang haba daw ng pila, pumila daw kami. Eh mga hindi naman naka-schedule ang nakapila doon, tangina. Konti na lang walang uniform sa amin, kasama yung president namin. Nakakainis kasi ang balak ng president namin, kausapin yung nasa loob ng IGP, tatanong lang kung bakit ganun. Bakit hindi kami ang uunahin eh kami naman ang naka-schedule? Tapos nung papasok ang president namin sa loob, TINULAK SYA NUNG LALAKING KALBO. at sabi pa “Sabing bawal pumasok eh! Labas!” TANGINA! Nalaman ko lang yun bumalik papunta sa room yung president namin. Ang pula ng dibdib nya. Malakas siguro talaga yung pagkaka-tulak sa kanya nung kalbo. Pumunta kami sa Guidance office para magpa counsel about nga doon kasi sobrang inis na kami sa lahat ng nangyayari. Nung sabado pa kasi silang tatanga-tanga. Nakaka-asar! Tapos pagpunta namin, walang tao dun. TANGINA, BULOK NG SCHOOL. ITAPON NA. :| Nakakairita lang talaga ang week na ito. GRR~