K♥

BAKLA, BAKLA, BAKIT KA PA NILIKHA?

to-write-and-always-will:

Bakla, bakla bakit ka pa nilikha? Hangad mo lang ay makilala kung sino ka.

Ikaw ang salamin ng pagpapakatotoo. Ikaw ang huwaran ng mga taong nagtatago sa mapanlinlang nilang anyo. Hindi lang sa isyu sa sekwalidad kundi sa kahit anong bagay na nangyayari sa realidad. Sa bahay, sa paaralan, sa pamahalaan at sa kahit anong lugar pa’y hindi maitatago ang mga mapagkunwari na pinipilit maging masaya sa paggawa ng kahit anong bagay kahit na ito’y mali.

Bakla, bakla bakit ka pa nilikha? Bakit ka pa nilikha kung huhusgahan ka lang?

Mula sa iyong pananamit, sa mahinhin kong kilos, sa ngiti mong hangad lang ay makapagpasaya ng ibang tao. Stereo-typing kumbaga. Huhusgahan ka ayon sa kanilang nakita. Ikaw na ginagawa lang ang mga bagay na makakapagpasaya sa ‘yong sarili at makapagpapawi ng lungkot na ‘di mo pinapakita sa harap ng mga tao. Kung iyon ka talaga at walang halong pagpapanggap.

Bakla, bakla bakit ka pa nilikha? Bakit ka pa nilikha kung ang turing sa iyo’y lason at salot sa lipunan?

Gayong halos lahat ng nagtatagumpay sa buhay ay pawang mga bakla. Mga baklang itinuturing na lason at salot sa lipunan ngunit lahat naman tayo’y sakanila’y  nakikinabang. Sa mga sakripisyo nila upang buhayin ang pamilya, para pag-aralin ang jowa at para pasayahin ang iba. Mabuti pa nga sila, kaysa sa mga tunay ngang lalaki ngunit tambay naman sa kalye.

Bakla, bakla bakit ka pa nilikha? Bakit ka pa nilikha kung aabusuhin lang ang taglay mong kabaitan?

Maasahan mo’t matatakbuhan sa oras ng pangangailangan. ‘Yun nga lang, sa sobrang kabaitan, minsan ay naiisahan. Maaring alam na nila iyon ngunit hinahayaan na lang. Ika nga ni Vice Ganda “Ngayon pa, gayong kaya ko na.” Simple lang ang pinaka dahilan… Kasiyahan.

Bakla, bakla bakit ka pa nilikha? Bakit ka pa nilikha kung hindi ka rin nila mauunawaan?

I’m sorry, But this is worth a reblog.

reblogged caloidoscope originally caloidoscope
42 notes
  1. nursenawalangsilbi reblogged this from caloidoscope
  2. kornibels reblogged this from caloidoscope and added:
    I’m sorry, But this is worth a reblog.
  3. smileliveloveandforget said: Siguro, kaming mga bakla ay sadyang nilikha upang tumayo, ngumiti, at ipakita sa lipunan na kaming mga lason/salot kung ituring ay may kayang gawin at magtagumpay.. Marahil, ang aming misyon ay imulat ang mga tao na mali sila ng pagkakahusga saamin..
  4. caloidoscope posted this