January 2012
Pero ang totoo, hindi lang talaga sila kuripot.
Sa kaklase ko po. 600php lang. Discounted kasi alam nyo na, kaklase nga tapos almost 15-20 ata kaming nagpagawa. Hindi ko lang alam kung magkano kapag iba ang nagpagawa. Sa Lipa yung store nila. Mabilis naman yung production nila. Pagkasukat nila, pwede mo na ata makuha sa isang araw. Harhar

Ang bigat sa dibdib. 7 lang nakapasa samin out of 40, pero iba pa rin eh. Keri lang yung score ng iba, yung akin talaga….. ANG LAYO. Tanginang Chemistry yan! Hindi ko kinaya. Nakakasama ng loob. Sabi nga sa 3 idiots, “Your friend fails, you feel bad. Your friend tops, you feel worse.” Haaaaay. Ano pa bang magagawa ko? Bawi bawi na lang. Makakabawi pa kayaaaaa? :(

Ano ngayon? Katapusan mo na? Kung makapag-inarte kala mo matandang dalaga/binata(well, mga babae kadalasan nagdradrama! LOL). Magtira ka naman ng kahihiyan sa sarili mo. Hindi naman kelangan i-broadcast na wala kang ka-date sa Feb 14 eh. Desperate much? Forever alone? Naaah. Andyan kaya yung mga kaibigan mo. Kaya wag kang arte-artehan jan. Aminin mo, may inaasahan ka lang talagang magyaya sa’yo makipag-date. ASA! Haha, ang KJ ko ‘no? Eh kasi kahit ipangalandakan kong inggit ako sa mga happy couples, it doesn’t make any difference. Di ako magkaka-jowa sa inggit kong yan eh. Eh I have my friends naman. Sama-sama na lang kami sa araw ng mga puso. Hindi naman porket araw ng mga puso, ang kasama mo ay ang syota mo. Kung wala ka nun, pwede rin namang kasama mo ang kaibigan mo. O kaya ang nanay mo o ang tatay mo. Kapatid mo. Pinsan. Kasi mahal mo sila. Nagmamahalan kayo. Diga?